(Tinagalog na "Categories of Free and Non-Free Software" ng Free Software Foundation, Pebrero, 2003)
Naarito ang glosaryo ng iba't-ibang kategorya ng program na kalimitang binabanggit sa mga talakayan ng timawang program. Sinasabi nito kung aling mga kategorya ang nag-ooverlap o bahagi ng ibang kategoriya.
Iba pang tekstong maaaring basahin
<...>
Basahin din ang "Confusing Words which you my want to avoid".
:.............................:
: :
x--x--x--x--x-:x--x--x--x--x--x--x--x : $--$--$--$--$--$--$--$
| : | : | |
x : TIMAWANG PROGRAM x : $ pribado $
| : | : | |
x O--O--O--O--O--O--O--O--O--O--O--O--O : $ $
| | : | | : | |========| |
x O : x O : $ | | $
| | |---:-----------------| | | : | | closed | |
x O | : public domain | x O : $ | | $
| | |---:-----------------| | | :...|..|........|........|....:
x O : x O $ | | $ :
| | |---:-----------------| | | | | s--s--s--s--s | :
x O | : istilog xfree86 | x O $ | | | | $ :
| | |---:-----------------| | | | |=s======| s | :
x O : x O $ | | $ :
| | K--:K--K--K--K--K--K---K | | | s shareware | | :
x O | : | x O $ | | $ :
| | K : kinopilep K | | | s s | :
x O | : | x O $ | | $ :
| | K : |----------| K | | | s--s--s--s--s | :
x O | : | ginipl | | x O $ $ :
| | K : |----------| K | | | | :
x O | : | x O $ $ :
| | K---:K--K--K--K--K--K--K | | | | :
x O : x O $--$--$--$--$--$--$--$ :
| | : | | :
x--xO-x--x--x--x-:x--x--x--x--x--x--x O :
| : | :
O : open source O :
| : | :
O--O--O--:--O--O--O--O--O--O--O--O--O :
: :
: libreng download :
: :
:...........................................................:
Mula sa diagram ni Chao-Kuei na nagpapaliwanag ng iba't-ibang kategorya ng program.
1. Timawang Program
Ang timawang program ay program na nagbibigay pahintulot sa lahat na makopya, magamit at maipamahagi, nang letra-por-letra o may pagbabago, maging libre o may bayad. Kailangan ding puedeng makuha ang source code. "Kung hindi ito source (hulo) hindi ito program."
Payak na depinisyon lamang ito, basahin din ang buong depinisyon.
May listahan din tayo ng salin sa ibang wika ng salitang "free software". Kung timawa ang isang program, posible itong maisama sa isang timawang operating system tulad ng GNU, o timawang bersiyon ng GNU/Linux na sistema.
Maraming paraan ng pagtitimawa ng isang program--maraming usapin ng detalye, na mapagpapasiyahan sa maraming paraan ngunit matitimawa pa rin ang program. Ang ilan sa mga posibleng paraan ay inilalrawan sa ibaba.
Ang "Free Software" ay tugkol sa kalayaan, hindi presyo. Pero minsan ginagamit ng mga kompanya ng pribadong program ang salitang "free software" na panlarawan sa presyo. Minsan ang ibig nilang sabihin ay makakakuha ka ng kopyang binary nang libre, minsan ang ibig nilang sabihin ay kasama na ang kopya nito sa kompyuter mong bibilhin.
Walang kinalaman ang mga pakahulugang ito sa ibig naming sabihin ng "free software" sa Proyektong GNU.
Dahil sa posibleng kalituhan, kapag sinabi ng kompanya ng program na ang produkto nila ay "free software", tsekin ninyo palagi ang mga kondisyon ng pamamahagi at tingnan kung ang lahat ng kalayaang sinasabi ng "free software" ay talagang nasasa tagagamit. Minsan talagang "free software" iyon, minsan naman hindi.
Maraming wika ang may hiwalay na salita para sa "free" alalaong baga'y kalayaan at "free" alalaong baga'y libre. Halimbawa ang mga Pranses ay may "libre" at "gratuit". Ang ingles ay may salitang "gratis" na ang tanging tinutukoy ay presyo, pero walang karaniwang pang-uri na ang tanging tinutukoy ay kalayaan.
Sayang, magiging kapakipakinabang sana ang ganoong salita sa amin.
Ang timawang program ay kalimitang mas maaasahan kaysa hindi timawang program.
2. "Open Source" na program
Ang terminong "open source" na program ay ginagamit ng iba na humigit-kumulang na katumbas ng timawang program. Mas gusto namin ang "timawang program"; sundan ang link(?) kung bakit.
3. "Public domain" na program
Ang "public domain" na program ay program na walang kopirayt. Ispesyal na klase ito ng hindi-nakopilep na timawang program, na ang ibig sabihin ay ang ilang kopya nito o binagong bersiyon ay maaaring hindi timawa.
Minsan ginagamit ng mga tao ang salitang "public domain" na katumbas ng "libre". Pero ang "public domain" ay isang legal na termino at nangangahulugan na "hindi kinopirayt". Para maging malinaw, iminumungkahi namin ang paggamit ng "public domain" na tanging iyon ang pakahulugan, at gumamit na lang ng ibang salita para sa ibang pakahulugan.
4. Kinopilep na program
Ang kinopilep na program ay timawang program na ang mga kondisyon sa pamamahagi ay hindi pinapayagan ang mga muling namamahagi na magdagdag ng paghihigpit kapag muling ipinamahagi o binago nila ang program. Ibig sabihin nito, ang bawat kopya ng program, kahit na nabago, ay dapat maging timawang program.
Sa Proyektong GNU kinkopilep namin halos lahat ng program na isinulat namin dahil ang layunin namin ay bigyan ang bawat tagagamit ng mga kalayaang sinasabi ng salitang "timawang program." Tingnan ang "Kinopilep" para sa karagdagang paliwanag kung paano pinatutupad ang kopilep at kung bakit namin ginagamit ito.
Ang kopilep ay isang pangkalahatang konsepto, upang maikopilep ang isang program, kailangan mong gumamit ng ilang itinatakdang kondisyon sa pamamahagi. Maraming paraan ng pagsusulat ng mga kondisyon sa pamamahagi na kopilep.
5. Hindi kinopilep na timawang program
Ang hindi kinopilep na timawang program ay ibinigay ng may-akda na may pahintulot na maipamahaging muli at mabago, at magdagdag din ng iba pang paghihigpit.
Kung ang isang progrm ay timawa pero hindi kinopilep, maaaring hindi timawa ang ibang kopya nito o ilang binagong bersiyon.
Maaaring ikompayl ito ng isang kompanya ng program nang mayroon o walang pagbabago, at ipamahagi ang "executable file" na isang pribadong produktog program.
Halimbawa nito ang sistemang X Window. Inirerelis ng X Consortium ang X11 na may mga kondisyon sa pamamahagi na gumagawa ditong hindi kinopilep na timawang program. Kung gusto ninyo makakakuha kayo ng kopya nito na may ganyang mga kondisyon sa pamamahagi. Pero may mga hindi timawang bersiyon din, at may mga popular na kompyuter at PC "graphic board", kung saan ang hindi-timawang bersiyon lamang ang gumagana. Kung gnagamit mo ang hardware na ito, ang X11 ay hindi timawang program para sa iyo.
6. Naka-GPL na program
Ang GNU GPL (Pangmadlang Lisensiya ng GNU) (20k titik) ay isang partikular na set ng mga kondisyon sa pamamahagi para sa pagkopilep ng isang program. Ito ag ginagamit ng Proyektong GNU bilang mga kondisyon sa pamamahagi ng karamihan sa GNUng program.
7. Ang Sistemang GNU
Ang sistemang GNU ay isang kumpletong timawang mala-UNIX na operating system.
Binubuo ng maraming program ang isang mala-UNIX na operating system. Kasama sa sistemang GNU ang lahat ng program na GNU, at iba pang pakete tulad ng Sistemang X Window at Tex na hindi program na GNU.
Noon pang 1984 kami nagdedebelop na at nagtitipon ng mga piyesa para sa sistemang GNU; ang unang relis na pagsubok ng isang "kumpletong sistemang GNU" ay noong 1996. Ngayong 2001, gumagana na nang mabuti ang sistema, at ginagawa ng ilang tao na tumakbo ang GNOME at ppp dito. Samantala, ang sistemang GNU/Linux, na bunga ng sistemang GNU na ginagamit ang Linux bilang kernel ay isa nang malaking tagumpay.
Dahil ang layunin ng GNU ay maging timawa, bawat piyesa ng sistemang GNU ay dapat maging timawang program. Magkagayunman, hindi nila kailangang nakopilep lahat, kahit anong klase ng timawang program ay puede sa usaping legal na maisama, kung tutulong itong makamit ang mga layuning teknikal. Maaari kaming gumamit at gumagamit nga kami ng hindi kinopilep na program tulad ng Sitemang X Window.
8. Mga program na GNU
Ang mga "program na GNU" ay katumbas ng "GNU Software." Ang isang program na "foo" ay isang program na GNU kung ito ay "GNU Software".
9. "GNU Software"
Ang "GNU Software" ay isang "softwre" na narelis ng Proyektong GNU. Karamihan sa "GNU Software" ay nakopilep, pero hindi lahat; Magkagayunman lahat ng "GNU Software" ay dapat maging timawang program. Kung ang isang program ay "GNU software", sinasabi rin namin na ito ay "GNU program".
May mga "GNU software" na naisulat ng istap ng Free Software Foundation, pro karamihan sa GNU software ay iniambag ng mga boluntaryo. Ang ilan sa mga inambag na "software" ay kinopirayt ng Free Software Foundation; ang iba ay kinopirayt ng nag-ambag na nagsulat nito.
10. Medyo-timawang program
Ang medyo-timawang program ay program na hindi timawa, kundi may pahintulot ang mga indibidwal na gamitin, kopyahin, ipamahagi at baguhin (kasama ang pamamahagi ng binagong bersiyon) para sa hindi-pinagtutubuang layunin.
Ang PGP ay halimbawa ng medyo timawang program.
Ang medyo-timawang program ay mas maigi sa pribadong program, pero may mga idudulot din itong problema, at hindi namin ito maggamit sa timawang operating system.
Ang mga paghihigpit ng kopilep ay dinisenyo upang protektahan ang mahahalagang katimawaan ng lahat ng tagagamit. Para sa amin, ang tanging dahilan para sa anumang mahalagang paghihigpit sa tgagamit ng program ay ang pagbabawal sa ibang tao na magdagdag ng iba pang paghihigpit. Ang mga medyo-timawang program ay may mga dagdag na paghihigpit, bunga ng mga makasariling layunin. Imposibleng isama ang medyo-timawang program sa timawang operating system dahil ang mga kondisyon sa pamamahagi ng buong operating system ay kabuuan ng mga kondisyon sa pamamahagi ng lahat ng program nito. Ang pagdagdag ng medyo-timaang program sa sistema ay gagawing medyo-timawa ang buong sistema. May dalawang rason kung bakit ayaw namin iyang mangyari.
*Naniniwala kami na ang timawang program ay para sa lahat--kabilang ang mga negosyo, hindi lang paaralan o naglilibang. Nais naming anyayahan ang negosyo na gumamit ng buong sistemang GNU, kaya ayaw naming samahan ito ng medyo-timawang program.
*Ang komersiyal na pamamahagi ng timawang operating system, kasama ang GNU/Linux system, ay napakahalaga, at gusto ng mga tagagamit ang kaalwanan ng komersiyal na distribusyong CD-ROM. Ang pagdaragdag ng medyo-timawang program sa isang operating system ay magpapahinto ng komersiyal na distribusyong ito sa CD-ROM.
Ang Free Software Foundation mismo ay hindi-komersiyal, kaya may legal kaming pahintulot na gumamit ng medyo-timawang program kung sa loob lamang ng organisasyon. Pero hindi namin iyan ginagawa dhil masisira niyan angpaghihirap naming makakuha ng program na maisasama sa GNU.
Kung may gawain na kailangan isakatuparan sa pamamagitan ng program, at wala pa tayong timawang program para dito, may butas pa ang sistemang GNU. Kailangan naming sabihin sa mga boluntaryo na "Wala pa tayong program para gawin ang trabahong ito sa GNU, kaya inaasahan naming magsusulat kayo ng ganitong program." Kung kami ay gagamit ng medyo timawang program, mawawalan kami ng lakas ng loob (gayundin din ang iba na maaaring maniwala sa aming pananaw) na magsulat ng timawang kapalit. Kaya hindi namin ginagamwa iyan.
11. Pribadong program
Ang pribadong program ay program na hindi timawa o medyo-timawa. Ang paggamit, muling pamamahagi o pagbabago ay ipinagbabawal o nagtatakda sa inyong kumuha ng pahintulot, o labis ang paghihigpit na hindi ninyo magawa ng malaya ang mga nabanggit.
Ang alituntunin ng Free Software Foundation hinggil sa pagamit ng pribadong program ay hindi kami puedeng mag-instol nito sa aming mga kompyuter maliban sa pansamantala, upang makapagsulat ng timawang kapalit ng program na yaon. Hindi rin kami naniniwala na may magandang dahilan para mag-instol ng pribadong program.
Halimbawa, sa palagay namin tama na nag-instol kami ng UNIX sa kompyuter namin noong dekada 80 dahil ginagamit namin ito upang makapagsulat ng timawang kapalit ng UNIX.
Ngayon dahil makakakuha na tayo ng timawang operating system, hindi na makatarungan ang paggamit muli ng dahilang iyon. Naalis na namin ang lahat naming hindi timawang operating system at anumang bagong kompyuter na iiinstol namin ay dapat magpatakbo ng kompletong timawang operating system.
Hindi namin iginigiit na ang mga tagagamit ng GNU, o nagaambag sa GNU ay kailangan ding sumunod sa alituntuning ito. Ito'y ginawa namin para sa aming sarili, pero sana'y magpasiya rin kayong sundin ito.
12. Freeware
Walang napagkakaisahang depinisyon ang terminong "freeware", pero karaniwan itong itinatawag sa mga paketeng nagpapahintulot ng muling pamamahagi pero hindi ang pagbabago (at ang source code nila ay nakatago). Ang mga paketeng ito ay hindi timawang program, kaya huwag po ninyong gamitin ang "freeware" kung ang ibig ninyong sabihin ay timawang program.
13. Shareware
Ang shareware ay isang program na may pahintulot sa mga taong muling magpamahagi ng mga kopya, pero sinasabi rin nito na sinumang magpapatuloy gumamit ng kopya ay kailangan magbayad ng lisensiya.
Hindi timawang program, ni medyo-timawa ang shareware. May dalawang dahilan kung bakit:
* Ang karamihang shareware ay nakatago ang source code; kaya hindi mo puedeng mabago ang program.
* Hindi nagpapahintulot ang shareware na gumawa ng kopya at iinstol ito ng hindi nagbabayad ng lisensiya, kahit sa mga indibidwal na ang ginagawa ay aktibidad na hindi pinagtutubuan (sa praktika, kalimitang binabalewala ng mga tao ang mga kondisyon sa pamamahaging ito at ginagawa ang gusto nila, pero hindi ito pinahihintulutan ng mga kondisyon).
14. Komersiyal na program
Ang komersiyal na program ay program na dinidibelop ng isang negosyo na ang layon ay kumita mula sa paggamit ng program. Ang "komersiyal" at "pribado' ay hindi pareho! Karamihan sa mga komersiyal na program ay pribado, pero may mga komersiyal na timawang program at may hindi-komersiyal na hindi-timawang program.
Halimbawa, ang GNU Ada ay palaging ipinamamahagi alinsunod sa mga kondisyon ng GNU GPL, at ang bawat kopya ay timawang program; Pero nagbebenta ang debeloper nito ng mga kontrata sa suporta. Kapag nakikipag-usap ang mga ahente nila sa mga posibleng kostumer, minsan sinasabi ng kostumer na "mas kampante kami sa isang komersiyal na kompayler." Tumutugon ang ahente na "Ang GNU Ada ay komersiyal na kompayler; kaya lang timawang program ito."
Sa Proyektong GNU, baliktad ang prayoridad, mas importante na ang GNU Ada ay timawang program. Hindi mahalaga kung komersiyal ito o hindi. Magkagayunman, ang karagdagang pagdedebelop ng GNU Ada na bunga ng pagiging komersiyal nito ay talagang nakabuti.
Ipaalam po ninyo sa iba na puedeng magkaroon ng komersiyal na timawang program. Magagawa ninyo ito sa pamamagitan ng hindi pagsasabi ng "komersiyal" kung ang ibig ninyong sabihin ay "pribado".
Kopirayt (C) 1996, 1997, 1998, 2001 Free Software Foundation, Inc., 59 Temple Place - Suite 330, Boston, MA 02111, USA
Pinahihintulutan ang letra-por-letrang pagkopya at pamamahagi ng buong artikulong ito sa anumang midyum, hanggat ang paunawang ito ay pinananatili.