Mayroon kang teen sa Pinterest. Salamat sa pagkatiwala sa amin ng kanilang oras. Sa page na ito, makakakita ka ng impormasyon tungkol sa aming mga kinakailangan sa edad, ang aming paraan sa kaligtasan para sa mga teen sa Pinterest at mga mapagkukunan para sa pagsuporta sa iyong teen.
Para sa mabilis na introduksyon sa kung ano ang Pinterest at kung paano ito gumagana, bisitahin ang aming gabay.
Mga kinakailangan sa edad
Hinihiling ng Pinterest na ang mga user ay hindi bababa sa 13 taong gulang para magkaroon ng Pinterest account. Sa ilang bansa, maaari mo lang gamitin ang Pinterest kung ikaw ay mahigit sa hustong gulang, na maaaring mas mahigit sa 13 taong gulang. Kung hindi mo natutugunan ang Minimum na edad sa Pinterest para sa iyong lokasyon, hindi ka puwedeng magbukas ng Pinterest account o gamitin ang mga feature na ito.
Kung ang iyong anak ay wala pang 13 (o ang minimum na edad sa iyong bansa), mangyaring mag-email sa amin sa privacy-support [at] pinterest.com (privacy-support[at]pinterest[dot]com) para hilingin sa aming i-delete ang kanyang account.
Mayroon din kaming mga proseso sa pag-verify ng edad na ipinapatupad kung naniniwala ang iyong teenager na mali ang edad na inilagay niya. Halimbawa, kung susubukan ng isang taong dating naglagay ng kanyang edad na wala pang 18, na i-edit ang petsa ng kanyang kapanganakan sa Pinterest app, hihilingin namin sa kanyang magpadala ng karagdagang impormasyon sa aming pinagkakatiwalaang third party na partner para kumpirmahin ito.
Ang aming pamamaraan sa kaligtasan
Passcode ng magulang
Bilang magulang o tagapag-alaga, magagabayan mo ang account ng iyong teenager sa pamamagitan ng pag-set up ng 4 na digit na passcode. Ilo-lock ng passcode na ito ang ilang setting na may kaugnayan sa pamamahala ng account, privacy at data, at mga pahintulot sa pakikipag-ugnayan sa Pinterest account ng iyong teenager.
Mag-e-expire ang passcode kapag naging 18 taong gulang ang iyong teenager batay sa petsa ng kapanganakan sa kanyang account.
Mga setting para sa mga teen
Pribado bilang default ang mga account ng teenager na wala pang 18 taong gulang sa Pinterest. Naniniwala kami na hindi dapat makita o magambala ng mga hindi kilalang tao ang personal space ng mga teenager. Ibig sabihin, ang iyong teenager lang at sinumang iimbitahan niyang mag-follow sa kanya ang makakakita ng mga Pin at board na sine-save niya. Ang kanyang Pinterest account at mga detalye ng profile, tulad ng kanyang pangalan, edad, o lokasyon, ay hindi makikita ng iba.
Kung mahigit 16 na taong gulang na ang iyong teenager at wala kang naka-set up na passcode ng magulang, puwede niyang piliing gawing pampubliko ang kanyang profile.
Paggawa ng mga ligtas na koneksyon
Kung wala pang 16 na taong gulang ang iyong teenager, puwede siyang makipagpalitan ng mensahe sa mga mutual follower at puwede siyang makatanggap ng mga message request mula sa mga collaborator ng board ng grupo. Habang tumatanda siya, mag-a-adjust ang mga setting ng iyong teenager para mabigyang-daan siyang makipag-ugnayan sa mas maraming tao. Bagama't idinisenyo ang aming mga default na setting para magbigay-daan sa mga ligtas na koneksyon sa mga kakilala ng iyong teenager, puwede niyang gawing mas mahigpit ang kanyang mga setting anumang oras.
Ikaw o ang iyong teen ay maaaring magpadala ng report kung makakakita ka ng Pin, komento, mensahe, board o account na mukhang hindi tama. Aalisin, lilimitahan, o iba-block namin ang pamamahagi ng content na nag-aambag sa hindi ligtas na karanasan. Ang iyong teen ay maaari ring i-block ang mga tao o mga account ng negosyo mula sa pag-follow sa kanya, pagmemensahe sa kanya, o pakikipag-ugnayan sa kanyang mga Pin.
Mga pagpipilian sa data at privacy
Tinitiyak naming may kontrol ang iyong teen sa kanyang impormasyon. Alamin ang tungkol sa settings ng data at privacy kung gusto mo ng mabilis na paliwanag ng mga pagpipilian ng iyong teen tungkol sa data. Para igalang ang privacy ng mga Pinner, ang may-ari lang ng account ang may kakayahang ma-access ang kanyang impormasyon o i-delete ang kanyang account, maliban kung magtatalaga siya ng awtorisadong agent para kumilos sa ngalan niya. Ang iyong teen ay puwedeng humingi ng access o i-edit ang kanyang impormasyon, o i-delete ang kanyang account.
Maaari mo ring bisitahin ang aming Patakaran sa Privacy para sa impormasyon tungkol sa kung paano namin kinokolekta, ginagamit at ibinabahagi ang data.
Emotional wellbeing
Sa pamamagitan ng pananaliksik ng eksperto, nalaman namin na ang paggugol ng oras sa Pinterest ay pinapaganda ang emotional wellbeing ng kabataan. Ang paghahanap ng inspirasyon sa mga online space na para lang sa kanila ay binabawasan ang mga negatibong kondisyon tulad ng ma-burnout o ma-stress.
Self-image
Ang Pinterest ay may mga natatanging patakaran na nagbabawal sa body shaming at nagpo-promote ng positibong pagtingin sa sarili sa platform. Mayroon din kaming mga feature, tulad ng paghahanap ayon sa uri ng katawan o pattern ng buhok, na tutulong sa iyong maghanap ng mga nakaka-inspire na ideya na sumasalamin sa iyong natatanging porma at pagkakakilanlan.
Pagtutuon ng pansin sa mga bagay na mahalaga
Ipinagmamalaki namin na maging isang lugar na makikitaan ng inspirasyon ng mga tinedyer, pero alam naming may oras at lugar para sa Pinterest. Nagsasagaw kami ng isang eksperimento at kapag binuksan ng iyong tinedyer ang Pinterest app sa araw na may pasok sa paaralan, maaari silang makakita ng prompt na isara ang Pinterest, i-pause ang mga notification, at magtuon sa pag-aaral.
Mga mapagkukunan para sa pagsuporta sa iyong teen
Nakatuon kami sa pagprotekta sa personal space, kaligtasan, at emosyonal na kapakanan ng teenager. Basahin ang aming mga alituntunin ng Komunidad para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga hindi pinapayagan sa Pinterest, kasama ang pangha-harass, mapoot na mga aktibidad, maling impormasyon, at marami pa.
I-explore ang mga mapagkukunan sa ibaba para maghanap ng mga serbisyo ng suporta at impormasyong pang-edukasyon para sa inyo at sa inyong teenager.