Copyright

Iginagalang ng Pinterest ang intellectual property rights ng iba at inaasahan naming ganito rin ang gagawin ng mga tao sa Pinterest.

Sa pagsunod sa Digital Millennium Copyright Act (DMCA), na mababasa mo sa website ng US Copyright Office, mabilis kaming tutugon sa mga claim ng copyright infringement sa Pinterest na nire-report sa aming itinalagang copyright agent, na tinukoy sa ibaba.

Kung ikaw ay may-ari ng copyright o awtorisadong kumilos sa ngalan ng isa, puwede kang mag-report ng sinasabing mga copyright infringement sa Pinterest sa pamamagitan ng pagkumpleto ng copyright report at pagpapadala nito sa aming itinalagang copyright agent.

Kapag natanggap namin ang iyong copyright report, gagawa kami ng naaangkop na aksyon, na maaaring kabilangan ng pag-disable o pag-alis ng access sa ni-report na content sa Pinterest.

Kung idi-disable o aalisin namin ang access sa content bilang pagtugon sa report ng copyright infringement, maaari naming abisuhan ang taong nag-save nito sa Pinterest para mayroon siyang pagkakataong magpadala ng counter notification. Maaari din kaming magpadala, bilang naaangkop, ng kumpletong kopya ng abiso, kasama ang iyong buong legal na pangalan, may-ari ng copyright, at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, sa mga user na na-disable o naalis ang kanilang content. Maaaring gamitin ng mga user ang impormasyong ibinigay mo para kontakin ka tungkol sa abiso at subukang ayusin ang isyu.

Paano magsampa ng counter notification

Kung inalis ang iyong content bilang resulta ng copyright infringement report, makakatanggap ka ng mga instruksyon sa kung paano magsampa ng counter notification sa email notification na ipapadala namin sa iyo. Pakitandaan na dapat ka lang mag-submit ng counter notification kung naniniwala kang inalis nang mali ang content.

Kapag nakatanggap kami ng valid na counter notification, ipapasa namin ito sa partidong nag-report ng content na iyon. Ang matatanggap nilang impormasyon ay may kasamang impormasyon mo sa pakikipag-ugnayan, na maaari nilang gamitin para direkta kang kontakin o gumawa ng karagdagang aksyon na sa tingin nila ay naaangkop.

Kung ibibigay namin ang iyong counter notification sa partidong nag-report ng content, at hindi nila kami aabisuhan na nagsampa sila ng aksyon sa hukuman o sa Copyright Claims Board na humihingi ng utos na alisin ang content, ibabalik namin ang content. Maaaring umabot ng hanggang 14 na araw ng negosyo ang prosesong ito.

Mga uulit na lalabag

Patakaran namin—sa naaangkop na mag sitwasyon at sa aming pagpapasya—na i-disable o tapusin ang mga account ng mga taong uulit na lalabag o paulit-ulit na pararatangan ng mga lumalabag na copyright o iba pang mga karapatan sa intellectual property. Ang mga user na inalis ang mga Pin alinsunod sa copyright infringement notification na makakatanggap ng mga strike sa patakaran ng Pinterest sa umuulit na lumalabag.

Content Claiming Portal

Dagdag pa sa aming mga channel sa pagre-report ng copyright, nagbibigay din ang Pinterest ng Content Claiming Portal, isang tool na nagpapahintulot sa mga creator na i-claim ang kanilang content at magpasya kung at kung paano ito lalabas sa Pinterest.

Ang sinumang nagmamay-ari ng ekslusibong copyright sa content ay maaaring mag-apply para sa access sa Content Claiming Portal. Sinusuri namin ang mga application para malaman kung nararapat ang may-ari ng mga karapatan para sa tool. Kung aaprubahan ang isang application, maa-upload ng may-ari ng mga karapatan ang kanyang orihinal na content at sasabihin sa amin kung gusto niyang lumabas sa Pinterest o hindi ang content. Gagamitin ang napili niyang pagpapatupad sa parehong dati nang mga tumutugma at mga tutugma na idaragdag sa Pinterest.

Para alamin pa, bisitahin ang aming article ng Content Claiming Portal.

Talaan ng mga nilalaman