Pumunta sa nilalaman

Talahanayan ng mga katinig sa IPA na may tunog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa IPA consonant chart with audio)

Ipinapakita sa artikulong ito ang mga katinig na nasa Internasyonal na Ponetikong Alpabeto (IPA) na may kaakibat na tunog. Nakabase ito sa opisyal na talahanayan ng mga katinig ng IPA, na huling binago noong 2020. IPA ang pandaigdigang sistema ng notasyon para maisulat ang lahat ng mga tunog sa mga wika ng tao, at pinapanatili ng Internasyonal na Ponetikong Asosasyon na siya ring gumawa sa naturang notasyon.

Nahahati ang mga katinig sa dalawang uri: pulmoniko at di-pulmoniko. Pulmonikong katinig ang mga katinig na nabubuo sa pamamagitan ng paglabas ng hangin mula sa baga at pinipigilan sa pamamagitan ng pag-ipit sa lalamunan o sa ibang bahagi ng bibig, habang di-pulmonikong katinig naman ang mga katinig na hindi nakadepende sa baga upang mabuo ang tunog. Karamihan sa mga wika ng tao ay nagtataglay lamang ng mga pulmonikong katinig; nasa 20% lamang ng mga wika ang nagtataglay ng mga di-pulmonikong katinig.[1]

  1. ↑ "Presence of Uncommon Consonants" [Presensiya ng mga Di-karaniwang Katinig]. WALS Online (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Marso 2026.