Bituing neutron
Itsura
(Idinirekta mula sa Neutron star)
Ang bituing neutron (Ingles: Neutron star) ay isang napakaliit at napakasiksik na bituin na karamihan ay binubuo ng mga neutron.[1] May radius ang mga ito na humigit-kumulang nasa 10 kilometro at may masang mas malaki kaysa sa Araw.[2][3] Kabilang ang mga bituing neutron sa pinakamaliit at pinakamakakapal na bituin na kilalang umiiral sa Uniberso. Nabubuo ang mga ito mula sa labi ng isang napakalaking bituin na sumabog bilang isang supernoba.[4]
Mga uri ng bituing neutron
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May ilang uri ng bituing neutron na nakikilala batay sa kanilang katangian:
- Pulsar – isang bituing neutron na mabilis na umiikot at naglalabas ng regular na mga bugso ng radiyasyon mula sa mga polong magnetic nito.[5]
- Magnetar – isang bituing neutron na may napakalakas na magnetic field at maaaring maglabas ng malalakas na pagsabog ng radiyasyon.[6]
- Bituing neutron na tahimik sa radyo (Radio-quiet neutron star) – isang bituing neutron na hindi karaniwang nakikita sa pamamagitan ng mga teleskopyong radyo, ngunit maaaring matukoy gamit ang ibang uri ng radiyasyon, gaya ng X-rays o gamma rays.[7][8]
- Bituing neutron na nag-iipon ng materya (Accreting neutron star) – isang bituing neutron na kumukuha ng materyal mula sa isang kalapit na bituin at maaaring maglabas ito ng matinding X-rays.[9][10]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Itim na butas (Black hole)
- Kayumangging unano (Brown dwarf)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Neutron star". Britannica (sa wikang Ingles). 2026-07-12. Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ "Neutron Star". esahubble.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ "Neutron Stars". imagine.gsfc.nasa.gov. Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ "What is a neutron star?". European Space Agency (sa wikang Ingles). 2024-12-03. Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ "Pulsars - NASA Science" (sa wikang Ingles). 2026-03-11. Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ "Magnetar". astronomy.swin.edu.au. Inarkibo mula sa orihinal noong 2026-09-10. Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ Lin, Lupin Chun-Che (2016). "Radio-quiet Gamma-ray Pulsars". Journal of Astronomy and Space Sciences. 33: 147–166. Bibcode:2016JASS...33..147L.
- ↑ K. T. S., Brazier; S., Johnston (1999). "The implications of radio-quiet neutron stars". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 305: 671–679. arXiv:astro-ph/9803176. Bibcode:1999MNRAS.305..671B. doi:10.1046/j.1365-8711.1999.02490.x.
- ↑ "Accreting Neutron Stars – Dr. Karl Remeis-Sternwarte" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2026-08-09.
- ↑ Parfrey, Kyle; Tchekhovskoy, Alexander (2024-10-24). "Accreting Neutron Stars in 3D General-relativistic Magnetohydrodynamic Simulations: Jets, Magnetic Polarity, and the Interchange Slingshot". The Astrophysical Journal. 975.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.