Sigarilyas
| Sigarilyas | |
|---|---|
| Mga bulaklak, dahon at buto ng sigarilyas | |
| Pag-uuring siyentipiko | |
| Kaharian: | Plantae |
| Klado: | Tracheophytes |
| Klado: | Angiosperms |
| Klado: | Eudicots |
| Klado: | Rosids |
| Orden: | Fabales |
| Pamilya: | Fabaceae |
| Henero: | Psophocarpus |
| Espesye: | P. tetragonolobus |
| Pangalang dalawahan | |
| Psophocarpus tetragonolobus | |
Ang sigarilyas (Psophocarpus tetragonolobus) ay isang uri ng gulay na kamukha ng prutas na balimbing. Kilala din ito sa tawag na sitaw na may pakpak, sitaw ng Goa, sitaw na may apat na anggulo, sitaw na may apat na sulok, sitaw ng Maynila, sitaw na prinsesa, sitaw na bituin, sitaw na kamrangi, gisantes, o sitaw na dragon, isa itong tropikal na halamang-gulay na kabilang sa mga halamang buto-legumbre.
Malawak na kinikilala ng mga mamimili at magsasaka sa Timog Asya at Timog-silangang Asya ang sigarilyas dahil sa iba't ibang gamit nito at paglaban sa mga sakit. Mayaman ito sa mga sustansiya at maaaring kainin ang lahat ng bahagi ng halaman. Maaaring kainin ang mga dahon nito gaya ng kangkong o iba pang madahong gulay, maaaring gamitin ang mga bulaklak sa mga ensalada, maaaring kainin nang hilaw o lutuin ang mga lamang-ugat, at maaaring gamitin ang mga buto sa mga paraang katulad ng paggamit sa utaw. Hindi pa gaanong ginagamit ang sigarilyas, subalit may kakayahan itong maging isang mahalagang pananim na pagkain na maraming gamit sa mga tropikal na bahagi ng Asya, Aprika, at Amerikang Latino.[1]
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang halamang sigarilyas ay tumutubo bilang baging na may mga gumagapang na tangkay at dahon, na may taas na 3–4 m (10–13 tal). Isa itong mala-damo na pangmatagalang halaman, subalit maaari ring palaguin bilang halamang taunang halaman. Karaniwan itong mas mataas at kapansin-pansing mas malaki kaysa sa karaniwang sitaw. Maaaring umabot sa 15 cm (6 in) ang haba ng mga dahon.[2] Nag-iiba ang hugis ng mga dahon mula sa obado hanggang deltoide, obado-lansetado, lansetado, at mahabang lansetado.[1] Nag-iiba rin ang berdeng kulay ng mga dahon. Karaniwang berde ang tangkay, subalit kung minsan ay kulay-lila. Mapusyaw na asul ang malaki nitong bulaklak.
Maaaring makinis o magaspang ang supot ng buto, depende sa henotipo. Karaniwan itong may habang 15–22 cm (6–8+1⁄2 in), parihaba ang krus-seksiyon nito[2] (bagaman kung minsan ay tila patag), at may apat na pakpak na may kulubot na mga gilid na pahaba ang pagkakaayos. Waksin ang balat at bahagyang malinaw ang laman ng mga batang supot. Maaaring kulay krema, berde, rosas, o lila ang mga supot. Kapag ganap nang hinog, nagiging kulay abo-kayumanggi ang supot at bumibiyak upang pakawalan ang mga buto. Karaniwang bilog ang hugis ng mga buto; mayroon ding mga butong obado at parihaba. Maaaring puti, krema, matingkad na kayumanggi, o kayumanggi ang mga buto, depende sa mga kondisyon ng pagtatanim at pag-iimbak.[1] Ang mga buto mismo ay katulad ng balatong kapwa sa gamit at nilalamang nutrisyon (29.8% hanggang 39% na protina).
Taksonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sigarilyas ay kabilang sa genus na Psophocarpus, na bahagi ng pamilya ng mga legumbre na Fabaceae.[1] Ang mga espesye sa genus na Psophocarpus ay mga halamang mala-damo na pangmatagalan subalit itinatanim bilang mga halamang taunang.[3] Ang mga espesye ng Psophocarpus ay may mga tuberong ugat at mga supot na may mga pakpak.[4] Nakakapanik ang mga ito sa pamamagitan ng pag-ikot ng kanilang mga tangkay sa isang suporta.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1 2 3 4 Khan, T. (1982). Winged Bean Production in the Tropics (sa wikang Ingles). Food and Agriculture Organization of the United Nations. p. 1.
- 1 2 The Complete Guide to Edible Wild Plants (sa wikang Ingles). United States Department of the Army. New York: Skyhorse Publishing. 2009. pp. 57. ISBN 978-1-60239-692-0. OCLC 277203364.
{{cite book}}: CS1 maint: others (link) - ↑ Hymowitz, T; Boyd, J. (1977). "Ethnobotany and Agriculture Potential of the Winged Bean". Economic Botany (sa wikang Ingles). 31 (2): 180–188. doi:10.1007/bf02866589. S2CID 5944034.
- ↑ Council, National Research (Hunyo 2002). Underexploited Tropical Plants with Promising Economic Value (sa wikang Ingles). The Minerva Group, Inc. ISBN 978-0-89499-186-8.