Maghanap ayon sa mga range ng uri ng katawan para makahanap ng inspirasyon na may kaugnayan sa iyo. Naniniwala kaming nagsisimula ang inspirasyon sa inclusion, at sa Pinterest, gusto naming madama ng lahat na kinakatawan sila. Bilang bahagi ng aming pangako sa isang inclusive na produkto, gusto naming mas padaliin para sa mga tao na maghanap ng mga ideyang nagbibigay ng inspirasyon na naaangkop sa kanila.
Para subukan ang mga range ng uri ng katawan, hanapin ang fashion ng kababaihan o mga ideyang may kaugnayan sa kasal tulad ng 'mga fall outfit' at piliin ang range na tumutugma sa hinahanap mo.
Tip: Kapag dalawang beses mong pinili ang parehong hinahanap, ipa-prompt kang i-save ang pinili para sa mga katulad na paghahanap sa hinaharap. Kung pipiliin mo ang Okay, mase-save ang pinili mo sa iyong device hanggang sa alisin mo ang pagpili rito o pumili ka ng bago. Puwede mo ring i-clear ang iyong kasalukuyang paghahanap sa Android o iOS sa pamamagitan ng pag-tap sa menu ng mga range ng uri ng katawan sa ilalim ng bar sa paghahanap at pag-tap sa I-clear.
Tandaan: Ise-save lang namin ang impormasyong ito sa iyong device, kaya kung na-save mo ito habang ina-access ang Pinterest sa desktop, at pagkatapos ay pumunta sa iyong mobile device, kakailanganin mong ilagay muli ang iyong paghahanap.
Kasalukuyang ginagawa ang mga feature na ito at patuloy kaming nagsusumikap para mapaganda ang karanasang ito. Ipaalam sa amin ang palagay mo habang patuloy naming binubuo at pinapahusay ang aming produkto.
Gumagamit ang Pinterest ng machine learning technology para i-categorize ang mga larawan sa mga Pin sa iba't ibang uri ng katawan. Para tumanggi sa pag-categorize ng iyong larawan at i-report ang Pin para sa pag-aalis, sundin ang mga instruksyon sa aming
Kung makikita mo ang iyong sarili sa isang larawan sa Pinterest, user ka man o hindi, puwede mong gamitin ang email na privacy-support [at] pinterest.com (privacy-support[at]pinterest[dot]com) o
Puwedeng tingnan ng mga user ng Pinterest ang aming