Katinig na pasara
Sa ponetika, katínig na pasará o plosíbo ang oklusibong katinig na nabubuo sa pamamagitan ng pagpigil sa paglabas ng hangin sa bibig. Maaaring magmula ang pagpigil na ito sa dulo ng dila (upang mabuo ang [t] at [d]), ang mismong dila (upang mabuo ang [k] at [g]), labi (upang mabuo ang [p] at [b]), o sa tagukan (upang mabuo ang [ʔ]). Bagamat parehong pumipigil, nagkakaiba ito sa mga katinig na pailong dahil sa paglabas ng hangin sa ilong upang mabuo ang mga ito, gayundin sa mga katinig na palatak, kung saan bahagya lamang ang pagpigil sa paglabas ng hangin sa bibig.
Lahat ng mga likas na wika sa mundo ay may mga katinig na pasara. May siyam na katinig na pasara sa wikang Tagalog: ang mga pares na [p b t d k g] na makikita sa mga salitang palaka, bata, talino, daan, kalapati, at gatas, ang impit [ʔ] na sinusulat bilang isang gitling (pag-ibig) o wala (akda), at ang pares na [t͡ʃ d͡ʒ] na walang kaakibat na titik ngunit makikita sa mga salitang tulad ng tiyan at diyaryo.
Artikulasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Madalas na sinusuri ang isang katinig na pasara sa tatlong bahagi: ang paglapit ng dalawang artikulador sa isa't-isa, ang pagpigil kung saan pinipigilan ng parehong artikulador ang paglabas ng hangin, at ang pagbuga kung saan naghihiwalay naman ang dalawang artikulador upang mabuga ang hangin.[1] Tanging ang pagpigil ang kailangan para masabing isa itong katinig na pasara. Maaaring walang maganap na paglapit ng dalawang artikulador kung may katinig na na nabuo sa parehong lugar ng artikulasyon tulad halimbawa sa salitang bantay. Sa ilang mga wika kagaya ng wikang Malay at Biyetnames, walang maririnig na pagbuga ng hangin sa mga katinig na pasara para sa mga katinig sa dulo ng isang salita, kahit na may katabi itong patinig.
Wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]May mga katinig na pasara ang lahat ng mga likas na wika sa mundo, at karamihan sa mga ito ay kahit papaano'y may [p], [t], at [k]. Gayunpaman, may mga ilang wika na hindi ganito ang kaso: halimbawa, walang [t] sa wikang Samoano, habang wala namang [p] ang wikang Arabo gayundin sa mga wikang Mohawk at Cherokee sa Hilagang Amerika. Samantala, [ʔ] ang natatanging katinig na pasara sa ponolohiya ng wikang Ontena Gadsup sa Papua Nueva Ginea,[2] habang natatangi naman ang wikang Yanyuwa sa hilagang Australia sa taglay nitong pitong katinig na pasara sa pitong magkakaiba lugar ng artikulasyon [b d̪ d ḏ ɖ ɡ̟ ɡ̠], ang pinakamarami para sa kahit anong likas na wika sa mundo.[3]
Uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinapakita sa susunod na talahanayan sa baba ang mga katinig na pailong na may sariling karakter sa Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto (IPA).
Pulmonikong katinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Para sa bawat pares, nasa taas ang matunog habang nasa baba naman ang di-matunog na anyo ng katinig.
| Pangalan | IPA | Halimbawa | |||
|---|---|---|---|---|---|
| Wika | Salita | Kahulugan | Bigkas | ||
| Katinig na pasara sa parehong labi | p | Tagalog | pato | [paˈto] | |
| b | buto | [buto] | |||
| Katinig na pasara sa labi-ngipin | p̪ | Griyego | σάπφειρος sáppheiros | 'sapiro' | [ˈsap̪firo̞s̠] |
| b̪ | Ibanag | bavi | 'baboy' | [bab̪ᵛiː] | |
| Katinig na pasara sa labi-dila | t̼ | Tangoa | p̈ep̈e | 'paruparo' | [t̼et̼e] |
| d̼ | Vao | ? | 'pating' | [ⁿ̼d̼aɣo] | |
| Katinig na pasara sa labi't gilagid | t͡p | Nzema | pi | 'kumapal' | [t͡piʔ] |
| d͡b | Abkhaz | адәқьан adəkʼan | 'tindahan' | [ad͡bəkʰʲan] | |
| Katinig na pasara sa labi't dilang pulupot | ʈ͡p | Yele | dp꞉u | 'kayong dalawa' | [ʈ͡pũ] |
| ɖ͡b | dpênêdpênê | 'pag-ubo' | [ʈ͡pəɳəɖ͡bəɳə] | ||
| Katinig na pasara sa labi't ngala-ngala | k͡p | Igbo | kpọ́ | 'tawag' | [k͡pɔ́] |
| ɡ͡b | Yoruba | gbogbo | 'lahat' | [ɡ͡boɡ͡bo] | |
| Katinig na pasara sa ngipin | t̪ | Tseko | toto | 'ito' | [ˈt̪ot̪o] |
| d̪ | Irlandes | dorcha | 'madilim' | [ˈd̪ˠɔɾˠəxə] | |
| Katinig na pasara sa gilagid | t | Tagalog | matamis | [mɐtɐˈmis] | |
| d | dalaga | [dɐˈlaɰɐ] | |||
| Katinig na pasara sa dilang pulupot | ʈ | Habanes | bathang | 'bangkay' | [baʈaŋ] |
| ɖ | Suweko | nord | 'hilaga' | [nuːɖ] | |
| Katinig na pasara sa paleta | c | Turko | köy | 'pamayanan' | [cʰœj̊ʷ] |
| ɟ | Latbiyano | ģimene | 'pamilya' | [ˈɟime̞ne̞] | |
| Katinig na pasara sa ngala-ngala | k | Tagalog | kuto | [ˈkuto] | |
| g | gulo | [ɡulɔ] | |||
| Katinig na pasara sa tilao | q | Arabo | قـط qiṭṭ | 'pusa' | [qitˤː] |
| ɢ | Ingles (Australia) | gaudy | 'mayabang' | [ˈɡ̠oːɾi] | |
| Katinig na pasara sa tilao't tagukan | q͡ʡ | Somali | qiiq | 'umusok' | [q͡ʡíìq͡ʡ] |
| — | |||||
| Katinig na pasara sa tilao't labi | q͡p | Iha | kpohi | 'mabuti' | [q͡pohi] |
| — | |||||
| Katinig na pasara sa lalaugan | ʡ | Archi | гӀарз g'arz | 'reklamo' | [ʡarz] |
| — | |||||
| Impit | ʔ | Tagalog | akda | [ʔɐkˈd̪aʔ] | |
| — | |||||
Di-pulmonikong katinig
[baguhin | baguhin ang wikitext]| Pangalan | IPA | Halimbawa | |||
|---|---|---|---|---|---|
| Wika | Salita | Kahulugan | Bigkas | ||
| Palabas na katinig na pasara sa parehong labi | pʼ | Ubykh | wıp'ts'e | 'pangalan mo' | [wɨpʼtsʼɜ] |
| Palabas na katinig na pasara sa gilagid | tʼ | Navajo | yáʼátʼééh | 'kamusta' | [jáʔátʼɛ́ːh] |
| Palabas na katinig na pasara sa dilang pulupot | ʈʼ | Yokuts | ṭʼa∙yʼ | 'ilalim ng balahibo' (ng ibon) | [ʈʼaːjˀ] |
| Palabas na katinig na pasara sa paleta | cʼ | Hausa | ? | 'damo' | [cʼaːɽa] |
| Palabas na katinig na pasara sa ngala-ngala | kʼ | Ingles (Gales) | back | 'likod' | [bækʼ] |
| Palabas na katinig na pasara sa tilao | qʼ | Quechua | q'illu | 'dilaw' | [qʼɛʎʊ] |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Collins, Beverly; Mees, Inger M. (2013). Practical Phonetics and Phonology: A Resource Book for Students [Praktikal na Ponetika at Ponolohiya: Sangguniang Aklat para sa mga Mag-aaral] (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) labas). Routledge. pp. 85–6. ISBN 978-0-415-50650-2.
- ↑ "Organised Phonology Data - Gadsup ( Ontena dialect) Language [GAJ] - Eastern Highlands Province" [Organisadong Datos sa Ponolohiya – Wikang Gadsup (dayalektong Ontena) [GAJ] – Lalawigan ng Silangang Highlands] (PDF). SIL International (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 8 Marso 2022.
- ↑ "Yanuyuwa". UCLA Phonetics Lab Data (sa wikang Ingles). University of California, Los Angeles.
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Ibanag
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Tangoa
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Nzema
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Abkhaz
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Yele
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Igbo
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Yoruba
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Tseko
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Irlandes
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Javae
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Sunda
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Turko
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Latbiyano
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Somali
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Iha
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Archi
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Ubykh
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Navajo
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Yokuts
- Mga artikulong may tekstong nasa wikang Quechua
- Paraan ng artikulasyon
- Mga katinig