Wikipedia:Patungkol

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedya na may malayang nilalaman na magkasamang sinulat ng mga tagapag-ambag mula sa buong mundo na may Internet. Isang itong wiki – ibig sabihin, maaaring makapag-edit o ipatnugot ang kahit sino ng mga artikulo sa pamamagitan ng pagpindot sa Baguhin (biswal na pagpapatnugot) o Baguhin ang wikitext (klasikong pagpapatnugot). May ilang mga pahina ang nakaprotekta sa pagpapatnugot upang iwasan ang pagkagambala at bandalismo.
Ang layunin ng Wikipedia ay makinabang ang mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng impormasyon sa lahat ng sangay ng kaalaman. Ang mga saligang prinsipyo ng Wikipedia ay binubuod sa limang haligi nito. Bagaman nakabuo ang pamayanan ng Wikipedia ng maraming patakaran at tuntunin, hindi kailangang pamilyar ang mga bagong patnugot sa mga ito bago sila magsimulang mag-ambag.
Ang Wikipedia ay isang tatak at pagmamay-ari ng Wikimedia Foundation, Inc. o Pundasyong Wikimedia. Sakop ng lisensiyang unported (walang hurisdiksyon, hal. bansa) na Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 (CC BY-SA) ang lahat ng mga teksto sa Wikipedia, pati na rin ang karamihan sa mga larawan at iba pang nilalaman. Pag-aari pa rin ng mga lumikha ang kanilang mga inambag, samantalang tinitiyak naman ng lisensiyang GFDL na malayang maipapamahagi at mailalabas ang mga nilalaman nito (pakitingnan ang Karapatang-ari at ang Mga Pagtatanggi para sa karagdagang impormasyon).
Tungkol sa Wikipediang Tagalog

Ang Wikipediang Tagalog ay ang edisyon ng Wikipedia sa wikang Tagalog. Sang-ayon sa ibang mga Wikipedista ng mga Tagalog at Ingles na Wikipedia, ang Wikipediang ito na rin ang kumakatawan sa wikang Filipino.[1][2][3] Bagaman orihinal na ginamit ang Baybayin noong sinaunang panahon bilang sistema ng pagsusulat ng Tagalog, sulating Latin lamang ang ginagamit ng edisyong ito dahil ito ang pinakamalaganap na alam ng nakakarami sa nagsasalita ng Tagalog. At kahit yaong marunong magsulat ng Baybayin sa ngayon ay marunong din naman na magbasa ng Tagalog na sinulat sa alpabetong Latin. Ang pangunahin layunin ng Wikipedia ay mapalaganap ang kaalaman sa lahat, at hindi ang pagpepreserba ng wika o sistema ng pagsusulat tulad Baybayin.
Kasaysayan
Sinasabing sinimulan ang Wikipediang Tagalog, Ang Malayang Ensiklopedya, noong 1 Disyembre 2003. Bagaman ang pinakamaagang makukuhang snapshot ng Wikipediang Tagalog mula sa archive.org ay noong Nobyembre 30, 2003. Walang nakaalala mula sa pamayanan kung ano ang eksaktong araw ng pagsisimula ng Wikipediang Tagalog. Sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Wikipedia:Anibersaryo ng Wikipediang Tagalog.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 48,945 mga artikulo.[4]. Naging ika-10,000 artikulo ang Bantayan, Cebu noong 20 Oktubre 2007, samantalang ang Pasko sa Pilipinas ang naging ika-15,000 noong 24 Disyembre 2007.[5] Naabot ang ika-16,000 artikulo nang malathala ang Pandaka pygmaea noong 11 Marso 2008.[6] Nakumpleto sa Betawiki (o Translatewiki.net) ang pagsasapook o lokalisasyon ng pagsasalinwika ng mga mensaheng pangsopwer ng Wikipediang Tagalog noong 6 Pebrero 2009.[7] Bagaman, may mga bagong entrada mula sa Translatewiki.net simula noong Pebrero 2009 ang hindi pa naisasalin.
Estadistika
- 30 Hunyo 2008: Silindro - ika-17,000 artikulo[8]
- 5 Agosto 2008: Unang Aklat ng mga Macabeo - ika-18,000 artikulo[9]
- 2 Oktubre 2008: Heriyatriko - ika-19,000 artikulo[10]
- 1 Nobyembre 2008: Anak ng tao - ika-20,000 artikulo[11]
- 22 Marso 2010: Sky Girls - ika-25,000 artikulo[12]
- 20 Hulyo 2010: Charlottenburg-Wilmersdorf - ika-30,000 artikulo[13]
- 25 Oktubre 2010: 1714 Sy - ika-40,000 artikulo[14]
- 9 Nobyembre 2010: Ekonometriks - ika-45,000 artikulo[15]
- 15 Enero 2011: Yu-Gi-Oh! Zexal - ika-50,000 artikulo[16]
Dahil sa pagbura ng mga maiikling artikulo na nagsimula noong 2018, bumaba sa baba ng 45,000 ang bilang ng artikulo ayon noong Disyembre 2022.
Mga unang hakbang ng Wikipediang Tagalog
- Ang unang naikargang artikulo ay Wikipedia (maliban sa Unang Pahina), noong 25 Marso 2004.
- Noong maluwag pa ang pamantayan ng Wikipediang Tagalog, ang pinaka-unang Napiling Artikulo ay ang Livestrong wristband, ngunit napalitan ito ng artikulong Kimika (ayon sa nabagong pamantayan).[17] Ngunit napalitan din ang Kimika dahil sa isang proseso ng pagsusuri at pagbabalik-tanaw.[18]
- Gayundin, ang unang Napiling Larawan ay ang Image:Flutterbye.jpg para sa artikulong Paru-parong Viceroy, subalit napalitan ng Image:St Vitus stained glass.jpg na para sa artikulong Katedral ng San Vitus.[19]
- Ang tatlong unang artikulong pang-Alam Ba Ninyo? ay ang Web browser, Wikang Bulgaro at Pilipinas.[20]
- Naaprubahang may kundisyon ang Tagalog Wikinews (Wikibalita) noong 19 Disyembre 2007.[5]
- Nagkaroon ng seksiyong Sa Araw na Ito sa Unang Pahina noong 2 Abril 2008, ngunit pansamantalang itinago ito noong 3 Mayo 2008 dahil sa kakulangan ng taga-ambag sa bahaging ito.[21][22]
Tingnan din
Pakikipag-ugnayan
- May tanong ka sa pamayanan ng Wikipediang Tagalog? Pindutin lamang ito.
Paanyaya
- Link sa aming paanyayang nalilimbag.
Ibang mga wika sa Pilipinas na may Wikipedia
Mga panlabas na link
Mga link patungo sa ibang mga edisyon ng Wikipedia sa ibang mga wika ng Pilipinas
Mga link sa iba pang mga Wikipedia na nasa ibang mga wika
Iba pang mga kaugnay na link
Mga sanggunian
- ↑ Wikipedia:Pamantayang pangwika/Wikipedia:Gabay sa abakada at pagbabaybay
- ↑ Wikipedia:Kapihan: "Filipino Wikipedia (na nasa Wikimedia Incubator)"
- ↑ Kaugnay: The Filipino Wiktionary Debate (formerly It's official) (WP:Tambay Archive14.)
- ↑ Tahanang Pahina ng Wikipediang Tagalog, isinangguni noong: 20 Oktubre 2007
- 1 2 Mula sa Announcements (Mga Paunawa) sa Wikipedia:Tambayan ng Ingles na Wikipedia
- ↑ Mula sa pahina ng usapan ng Pandaka Pygmaea
- ↑ Tala ng gawain sa Translatewiki.net (Betawiki), noong 6 Pebrero 2009
- ↑ Pahina ng usapan ng Silindro
- ↑ Pahina ng usapan ng Unang Aklat ng mga Macabeo
- ↑ Pahina ng usapan ng Heriyatriko
- ↑ Pahina ng usapan ng Anak ng Tao
- ↑ Pahina ng usapan ng Sky Girls
- ↑ Pahina ng usapan ng Charlottenburg-Wilmersdorf
- ↑ Pahina ng usapan ng 1714 Sy
- ↑ Pahina ng usapan ng Ekonometriks
- ↑ Zexal Pahina ng usapan ng Yu-gi-Oh! Zexal
- ↑ Mula sa Supnayan ng Wikipediang Tagalog
- ↑ Wikipedia: Pagbabalik-tanaw sa artikulong Kimika, Marso 25-26, 2008
- ↑ Mula sa Supnayan ng Wikipediang Tagalog.
- ↑ Mula sa pahinang pangkasaysayan ng Suleras ng Alam Ba Ninyo?
- ↑ Mula sa kasaysayan ng Wikipedia:Mga pangyayari noong unang panahon
- ↑ Mula sa kasaysayan ng Unang Pahina