Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo

Ang Baybayin (), kilala rin sa maling katawagan nitong Alibata (mula sa Arabe na alifbata) ay isa sa mga suyat na ginamit sa Pilipinas. Isa itong alpasilabaryo, at bahagi ng pamilya ng sulat Brahmi. Laganap ang paggamit nito sa Luzon at sa ilang parte ng Pilipinas noong ika-16 hanggang ika-17 dantaon bago mapalitan ito ng sulat Latin. Sa kasalukuyan, ginagamit ang Baybayin bilang sining. May mga grupong nabuo para muli itong buhayin at gamitin. May mga batas rin ang nagawa para itaguyod ito pati na rin ang iba pang mga sistema ng panulat ng Pilipinas. Isinakodigo sa Unicode ang mga titik nito noong 2002. Ipinanukala ito ni Micheal Everson noong 1998 kasama ng sulat Tagbanwa, Hanuno'o, at Buhid. Ang Sinupan ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila ang may hawak sa kasalukuyan sa pinakamalaking koleksyon ng mga sinaunang pagsulat sa Baybayin sa buong mundo. Dahil rito, binigyan ito ng nominasyon para mapasama sa Talaan ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO, kasama na ang buong unibersidad.
Alam ba ninyo ...

- ...na ang paggamit ng wikang Indostaniko ay isinulong dahil din sa pagiging payak nito?
- ...na ang ugnayan sa Banal na Luklukan at Italya ng Pilipinas ay mahalaga dahil sa katangiang Katoliko nito?
- ...na sa etimolohiya, ang Hebei ay nangangahulugang 'hilaga ng ilog', na hango sa lokasyon ng lalawigan sa hilaga ng Ilog Dilaw sa Kapatagang Hilagang Tsina?
- ...na ang unang paghaharap ng magiging isa sa pinakamainit na ribalan (nakalarawan ang isang laro noong 1971) sa futbol sa Italya ay isinagawa ng AC Milan at Inter Milan sa Chiasso, Ticino, Suwisa?
- ...na nagsagawa ng seremonyang adventus si Dakilang Constantino bilang isang pagpapahayag ng kaniyang tagumpay laban kay Majencio sa Labanan sa Tulay Milvio?
Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 50,766 artikulo |
310 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
- Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
- Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.
Sa araw na ito (Nobyembre 3)

- 1978 — Lumaya ang Dominica mula sa Nagkakaisang Kaharian.
- 1964 — Ang mga residente ng Washington, DC ay nakaboto sa halalan ng pangulo sa unang pagkakataon.
Mga huling araw: Nobyembre 2 — Nobyembre 1 — Oktubre 31

-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiksiyonaryo
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo