Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo

Ang alkimiya (mula sa Arabe: al-kīmiyā; mula sa Sinaunang Griyego: χυμεία, khumeía) ay sinaunang sangay ng likas na pilosopiya, isang pilosopiko at protosiyentipikong kaugalian na kinasanayan sa buong Europa, Indya, Tsina, at mundong Muslim. Sa kanluraning anyo, unang nabunyag ang alkimiya sa ilang mga tekstong sudoepigrapiko na nakasulat sa Greko-Romanong Ehipto noong unang ilang mga dantaon AD. Sinusubok ng mga alkimista na dalisayin, pahinogin, at perpektuhin ang ilang mga materyal. Karaniwang nilalayon ang chrysopoeia, ang transmutasyon ng mga "pangunahing metal" (e.g., tingga) sa mga "mariringal na mga metal" (partikular ang ginto); ang paglikha ng isang eliksir ng imortalidad; at ang paglikha ng mga panasea para sa paggamot ng kahit anumang sakit. Inakala ang kaganapan ng katawan ng tao at kaluluwa na resulta ng alkimikal na magnum opus ("Dakilang Gawa"). Iba't iba ang pagkakonekta ng konsepto ng paglikha ng bato ng pilosopo sa lahat ng mga proyektong ito. Sinaunang malaagham ang alkimiya na may elemento ng kimika, pisika, astrolohiya, sining, semiotika, metalurhiya, medisina, mistisismo, at relihiyon.
Alam ba ninyo ...

- ...na ang unang paghaharap ng magiging isa sa pinakamainit na ribalan (nakalarawan ang isang laro noong 1971) sa futbol sa Italya ay isinagawa ng AC Milan at Inter Milan sa Chiasso, Ticino, Suwisa?
- ...na nagsagawa ng seremonyang adventus si Dakilang Constantino bilang isang pagpapahayag ng kaniyang tagumpay laban kay Majencio sa Labanan sa Tulay Milvio?
- ...na ipinatawag ng mga awtoridad sa Mosku ang makatang si Alexander Pushkin matapos matagpuan ang kopya ng kaniyang tulang Oda sa Kalayaan sa mga gamit ng mga rebelde ng Aklasang Desembrista?
- ...na ang kompanyang kayo na Grupong Marzotto ay nagmula sa bayan ng Valdagno?
- ...na iminodelo ni Anthony Constantino ang mga barong na idinisenyo ni Francis Libiran na isinuot ng mga atleta ng Koponan ng Pilipinas para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024?
Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 50,728 artikulo |
300 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
- Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
- Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.
Sa araw na ito (Oktubre 30)

- 1485 — Kinoronahan si Enrique VII ng Inglatera.
- 1918 — Lumagda ng armistiya ang Imperyong Otomano sa mga Alyado, na nagtapos sa Unang Digmaang Pandaigdig sa Gitnang Silangan.
- 1922 — Ginawang Punong Ministro ng Italya si Benito Mussolini.
- 1961 — Dahil sa "paglabag sa paniniwala ni Lenin", dinekreto na alisin ang katawan ni Joseph Stalin sa libingan ni Lenin at ilibing na lamang sa pader ng Kremlin na may simpleng panandang granito.
Mga huling araw: Oktubre 29 — Oktubre 28 — Oktubre 27

-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiksiyonaryo
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo