Pumunta sa nilalaman

Mottola

Mottola

Mòtele (Neapolitan)
Comune di Mottola
Image
Palayaw: 
Spia dello Ionio
Lokasyon ng Mottola
Map
Mottola is located in Italy
Mottola
Mottola
Lokasyon ng Mottola sa Italya
Mottola is located in Apulia
Mottola
Mottola
Mottola (Apulia)
Mga koordinado: 40°38′N 17°02′E / 40.633°N 17.033°E / 40.633; 17.033
BansaItalya
RehiyonApulia
LalawiganTarento
Itinatag1300 BC[1]
Pamahalaan
 • MayorGiovanni Piero Barulli
Lawak
 • Kabuuan213.96 km2 (82.61 milya kuwadrado)
Taas
387 m (1,270 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[3]
 • Kabuuan15,842
 • Kapal74/km2 (190/milya kuwadrado)
Tawag sa tagalugarMottolesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
74017
Kodigo sa pagpihit099
Santong PatronSan Tommaso Becket
WebsaytOpisyal na website

Ang Mottola (Mottolese: Mòtele, IPA: [ˈmɔːtələ]) ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Taranto sa rehiyon ng Apulia sa timog-silangang Italya. Matatagpuan sa isang burol, may palayaw itong "Spia dello Ionio" o Espiya ng Honiko dahil sa panoramikong tanaw nito sa dagat.

Heograpiyang pisikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang maikling distansiya mula sa dagat (mga 10 km mula sa Dagat Honiko) ay nagpapahina sa klima ng Mottola, sa kabila ng maburol na lokasyon nito. Ang karaniwang temperatura ay nasa humigit-kumulang 8-9°C sa taglamig, na tumataas sa 22-25°C sa tag-araw, na may pinakamababa sa gabi ng taglamig na bumababa sa ibaba 2°C at pinakamataas na 26-32°C sa hapon ng Agosto.

Pinagmulan ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang toponimo, na nabanggit na noong ika-11 siglo bilang Motula, Mutula, ay sumasalamin sa isang uri ng motta, na nagmula bago ang panahon ng mga Romano at karaniwan sa halos buong Italya,[4] na nangangahulugang "taas".[5]

Mula 1601, ang bayan ay pinamahalaan ng pamilyang Caracciolo, na nagpanatili ng kontrol hanggang sa pagbuwag ng piyudalismo noong 1806.[6]

Kasabay ng Pagpapanumbalik, sinundan ng Mottola ang mga pangyayari sa pambansang Risorgimento, dumanas ng mapangwasak na aksiyon ng pagnanakaw at lumahok sa proseso ng reorganisasyong pampulitika-panlipunan, para sa kapaki-pakinabang na pagkamit ng isang bagong administratibo, pang-ekonomiya, at pangkulturang anyo. Noong 1887, itinayo ang kasalukuyang Munisipyo, na may patsadang neoklasiko, na binubuo ng humigit-kumulang 70 silid na nakapamahagi sa 3 palapag sa paligid ng isang maluwang na panloob na atriyo (kung saan ginaganap ang mga kaganapang pangkultura sa tag-araw); tinatanaw nito ang malaking "Piazza XX Settembre" na napapalibutan ng isang makapal na hanay ng mga ornamental na puno ng oak. Ang sahig ay nagtatampok ng walong malalaking oktagonal na mosaic, na gawa sa mga materyales na bato at glass enamel, na naglalarawan ng walong makasaysayan o maalamat na mga kaganapan ng medyebal na lungsod.[7]

Mga mamamayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "History of Mottola".
  2. ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  3. ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
  4. ↑ . p. 512. ISBN 88-02-07228-0. {{cite book}}: Missing or empty |title= (); Unknown parameter |anno= ignored (|date= suggested) (); Unknown parameter |annooriginale= ignored (|orig-date= suggested) (); Unknown parameter |città= ignored (|location= suggested) (); Unknown parameter |editore= ignored (); Unknown parameter |titolo= ignored (|title= suggested) ()
  5. ↑ Padron:Cita pubblicazione
  6. ↑ "I feudatari di Mottola" (PDF).
  7. ↑ "Informazioni sul Palazzo Municipale".
[baguhin | baguhin ang wikitext]