Maligayang pagdating sa Wikipedia!
Napiling artikulo

Si Jigme Khesar Namgyel Wangchuck (Dzongkha: འཇིགས་མེད་གེ་སར་རྣམ་རྒྱལ་དབང་ཕྱུག་, Wylie: jigs med ge sar rnam rgyal dbang phyug; ipinanganak noong Pebrero 21, 1980) ay ang ikalimang Druk Gyalpo (Dzongkha: Haring Dragon) ng Kaharian ng Bhutan at puno ng Angkan ng Wangchuck (dinastiyang Wangchuck). Siya ang kasalukuyang pinakabatang monarka at puno ng estado. Naluklok siya sa trono noong Disyembre 6, 2006 matapos magbitiw ang kanyang ama, ang ikaapat at dating Haring Dragon ng Bhutan na si Jigme Singye Wangchuck. Naganap ang pampublikong seremonya ng koronasyon noong Nobyembre 6, 2008, ang taon na minarkahan ang ika-100 ng monarkiya ng Bhutan. Kaugnay ng pamilya, panganay si Khesar ng kanyang ama at ng ikatlong asawa ng kanyang ama na si Reynang (Ashi) Tshering Yangdon. Mayroon siyang mga nakababatang kapatid na babae at lalaki, gayundin, may apat na kapatid na babae sa labas at tatlong kapatid na lalaki sa labas. Asawa niya si Jestun Pema, ang Druk Gyaltsuen (Dzongkha: Reynang Dragon) ng Bhutan. Mayroon silang dalawang anak, ang mga prinsipeng sina Jigme Namgyel Wangchuck at Jigme Ugyen Wangchuck. Pagkatapos tapusin ang kanyang pag-aaral sa mababa at mataas na paaralan sa Bhutan, nag-aral si Khesar sa ibang bansa sa Akademiyang Phillips (Andover), Akademiyang Cushing at Dalubhasaang Wheaton sa Massachusetts, Mga Nagkakaisang Estado, bago magtapos sa Dalubhasaang Magdalen, Pamantasan ng Oxford, Mga Nagkakaisang Kaharian, kung saan nakumpleto niya ang Programang Ugnayang Panlabas at MPhil sa Politika. Nakapaglakbay siya sa mga iba't ibang bansa, opisyal na kumakatawan ng Bhutan sa mga iba't ibang kaganapan at may aktibong gampanin sa mga pangkultura, pang-edukasyon at pang-ekonomiyang organisasyon.
Alam ba ninyo ...

- ...na iminodelo ni Anthony Constantino (nakalarawan) ang mga barong idinisenyo ni Francis Libiran na isinuot ng mga atleta ng Koponan ng Pilipinas para sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 2024?
- ...na ang Paghahating Kanluranin ay naging pagkakataong magtatag ng isang pamantasan sa Heidelberg kahit na hindi ito isang malaking lungsod?
- ...na nadulas ang isang politikong Polako, binanggit na may bansang San Escobar?
- ...na bukod sa kabilang sa mga bayang Italyano na may dalawang titik lamang sa pangalan, ang Vo' ay ang isa sa naging unang sentro ng pandemya ng COVID-19 sa Europa?
- ...na ang kompanyang moda na Comme des Garçons ay nagsimula sa Hapon?
Napiling larawan

Ang Santa Francesca Romana (Italyano: Basilica di Santa Francesca Romana), na dating kilala bilang Santa Maria Nova, ay isang simbahang Katoliko Romano na matatagpuan sa tabi ng Porong Romano sa rione Campitelli sa Roma, Italya.
May-akda ng larawan: Diego Delso
Patungkol
Ang Wikipedia ay isang proyektong online na ensiklopedya na panlahat, nakasulat sa maraming wika, at pinagtutulungan ang paggawa ng mga artikulo sa prinsipyong wiki. Naglalayon ang proyektong ito na mag-alok ng mga nilalaman na malayang muling magagamit, walang pinapanigan, at napapatunayan, na maaring baguhin at mapabuti ninuman. Nakikilala ang Wikipedia sa pamamagitan ng mga naitatag na prinsipyo. Nakalisensiya ang nilalaman nito sa ilalim ng Creative Commons BY-SA. Maari itong kopyahin at muling gamitin sa ilalim ng parehong lisensiya, na sumasailalim sa paggalang sa mga kondisyon. Ibinbigay ng Wikipedia ang mga nilalaman nito ng walang bayad, walang patalastas, at hindi nagsasamantala sa paggamit ng personal na datos ng mga gumagamit nito.
Mga boluntaryo ang nag-aambag o patnugot ng mga artikulo sa Wikipedia. Nakikipag-ugnayan sila sa isa't isa tungkol sa kanilang mga pagsisikap sa loob ng pamayanang nagtutulungan at walang pinuno.
| Sa ngayon, mayroon ang Wikipediang Tagalog na: | |
| 50,425 artikulo |
272 aktibong tagapag-ambag |
Paano makapag-ambag?
Maaring maglathala ng online na nilalaman ang kahit sino basta't sundin nila ang mga pangunahing alintuntuning itinakda ng Pundasyong Wikimedia at ng pamayanan; halimbawa, pagpapatunay ng nilalaman, notabilidad, at pagkamagalang.
Maraming mga pahinang pantulong ang mababasa mo, partikular sa paglikha ng artikulo, pagbago ng artikulo o pagpasok ng litrato. Huwag mag-atubiling magtanong para sa iyong unang mga hakbang, partikular sa isa sa mga proyektong tematiko o sa iba't ibang espasyo para sa mga usapan
Ginagamit ang mga pahinang usapan upang isentralisado ang mga naiisip at kumento para mapabuti ang isang partikular na artikulo o pahina. Mayroon din sentrong portal o puntahan ng pamayanan, ang Kapihan, kung saan puwedeng pag-usapan ang pangkalahatang alalahanin sa pamayanang Wikipediang Tagalog. Pindutin ito upang magtanong o maghayag ng iyong naiisip para mapabuti pa ang Wikipediang Tagalog.
Kaganapan

- Isang lindol na may lakas na Mw 7.8, na ang episentro ay nasa karagatan sa tapat ng Maasim, ang yumanig sa Mindanao, Pilipinas. Naramdaman din ito hanggang sa Leyte, sa mga lalawigan ng Hilagang Maluku at Hilagang Sulawesi sa Indonesya, at sa Sabah sa Malaysiya. Hindi bababa sa 35 katao ang nasawi, mahigit 200 ang nasugatan, at 12 ang nawawala (nakalarawan ang pagguho ng lupa sa Saranggani).
- Naitala rin ang mga sunami sa Guam, Palau, at ilang bahagi ng Indonesya, Hapon, at Pilipinas. Binawi ng Pacific Tsunami Warning Center (PTWC, o Sentrong Pambababala ng Sunami sa Pasipiko) ang babalang sunami nito para sa Guam at sa Hilagang Kapuluang Mariana, habang inalis naman ng mga ahensiya sa Australya, Malaysiya, at Nuweba Selandiya ang kani-kanilang mga babala. Kalaunan, kinumpirma ng PTWC na lumipas na ang banta ng sunami ilang oras matapos ilabas ang babala para sa ilang bahagi ng Karagatang Pasipiko.
- Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos ng Pilipinas ang pagsuspinde ng mga klase sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa buong Mindanao. Nagkataon itong unang araw ng bagong taong panuruan sa bansa.
Sa araw na ito (Oktubre 19)

-
Commons
Repositoryo ng midya -
Wikidata
Datos ng kaalaman -
Wikikawikaan
Mga sipi -
Wiksiyonaryo
Diksiyonaryo -
Wikispecies
Direktoryo ng mga espesye -
Wikivoyage
Gabay sa paglalakbay -
Wikisource
Aklatan -
Wikiversity
Kurso at aralin -
Wikibooks
Aklat-aralin at manwal -
Wikifunctions
Librerya ng mga punsyon -
MediaWiki
Paggawa ng software na wiki -
Meta-Wiki
Koordinasyon ng proyektong Wikimedia
-
1,000,000+ artikulo
-
250,000+ artikulo
-
50,000+ artikulo
