Pumunta sa nilalaman

Lungsod ng Cebu

Lungsod ng Cebu

Dakbayan sa Sugbo
Ang Lungsod ng Cebu ng Business Park ika Setyembre 2022
Ang Lungsod ng Cebu ng Business Park ika Setyembre 2022
Opisyal na sagisag ng Lungsod ng Cebu
Sagisag
Mapa ng Cebu na ipinapakita ang lokasyon ng Lungsod ng Cebu
Mapa ng Cebu na ipinapakita ang lokasyon ng Lungsod ng Cebu
Map
Lungsod ng Cebu is located in Pilipinas
Lungsod ng Cebu
Lungsod ng Cebu
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 10°17′35″N 123°54′07″E / 10.293°N 123.902°E / 10.293; 123.902
BansaImage Pilipinas
RehiyonGitnang Kabisayaan (Rehiyong VII)
LalawiganCebu (kapital)
DistritoUna hanggang pangalawang Distrito ng Lungsod ng Cebu
Mga barangay80 (alamin)
Pagkatatag1565, 24 Pebrero 1937
Ganap na LungsodPebrero 24, 1937
Pamahalaan
  Manghalalal721,469 botante (2025)
Lawak
[1]
  Kabuuan315.00 km2 (121.62 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2024)
  Kabuuan965,332
  Kapal3,100/km2 (7,900/milya kuwadrado)
  Kabahayan
238,317
Ekonomiya
  Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
  Antas ng kahirapan9.80% (2021)[2]
  Kita9,258 million (2022)
  Aset30,545 million (2022)
  Pananagutan15,768 million (2022)
  Paggasta10,555 million (2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
6000
PSGC
072217000
Kodigong pantawag32
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaSebwano
Tagalog
Websaytcebucity.gov.ph

Ang Lungsod ng Cebu (Cebuano/Bisaya: Dakbayan sa Sugbo, Ingles:Cebu city, Español:Ciudad de Cebú) ay ang pinakamalaking siyudad at kabisera ng lalawigan ng Cebu sa Pilipinas at ang ikalawang pinakamahalagang sentrong urbano ng bansa. Matatagpuan ang lungsod sa pulo ng Cebu at ang pinakamatandang paninirahang Kastila sa bansa, mas matanda pa sa kapital ng bansa, ang Maynila. Isa itong pangunahing daungan at tahanan ng mahigit sa 80% ng interisland na kompanyang pangdagat. Pangunahing daungan din ang Cebu, sa labas ng kapital, ng internasyunal na lipad sa bansa at ang pinakamahalagang sentro ng komersyo, pangangalakal, at industriya sa Kabisayaan at Mindanaw, ang mga katimogang bahagi ng bansa. Ayon sa senso ng 2024, ito ay may populasyon na 965,332 sa may 238,317 na kabahayan.

Cebu, o maaaring tawaging Sugbo, ay isang maunlad na panirahan bago pa dumating ang mga Kastila. May mga negosyante na nakikipagkalakal nagaling sa Tsina at iba pang bansa sa ng timog-silangang Asya.

Noong ika 7 ng Abril, 1521, isang Portuges na si Ferdinand Magellan at mga kasamang Kastila ay dumating sa Cebu. Sinalubong ito ni Rajah Humabon. Ang rajah at kanyang asawa at kasama ang mga 800 katutubo, ay bininyagan ng mga Kastila noong ika 14 ng Abril, 1521. Sila ay maituturing pangunahing Katoliko na Pilipino. Binago ni Magellan ang relihiyon ng mga katutubo ngunit nabigo siya sakupin ang bansa dahil sa resistensiya ng mga katutubo ng Mactan sa pamumuno ni Lapu-Lapu noong ika 27 ng Abril, 1521.

Noong ika 27 ng Abril, 1565, Si Miguel López de Legazpi kasama si Augustinong Prayle Andrés de Urdaneta, ay dumating sa Cebu. Binago ni Legazpi ang dating pangalan ng lungsod, San Miguel ng Villa del Santissimo Nombre de Jesus noong ika 1 ng Enero, 1571,. Ang lungsod ay ginawang kabisera ng bagong koloniya ng Espanya sa loob ng anim na taon.

Ang Lungsod ng Cebu ay nahahati sa 80 mga barangay.

  • Adlaon
  • Agsungot
  • Apas
  • Babag
  • Basak Pardo
  • Bacayan
  • Banilad
  • Basak San Nicolas
  • Binaliw
  • Bonbon
  • Budla-an (Pob.)
  • Buhisan
  • Bulacao
  • Buot-Taup Pardo
  • Busay (Pob.)
  • Calamba
  • Cambinocot
  • Capitol Site (Pob.)
  • Carreta
  • Central (Pob.)
  • Cogon Ramos (Pob.)
  • Cogon Pardo
  • Day-as
  • Duljo (Pob.)
  • Ermita (Pob.)
  • Guadalupe
  • Guba
  • Hippodromo
  • Inayawan
  • Kalubihan (Pob.)
  • Kalunasan
  • Kamagayan (Pob.)
  • Camputhaw (Pob.)
  • Kasambagan
  • Kinasang-an Pardo
  • Labangon
  • Lahug (Pob.)
  • Lorega (Lorega San Miguel)
  • Lusaran
  • Luz
  • Mabini
  • Mabolo
  • Malubog
  • Mambaling
  • Pahina Central (Pob.)
  • Pahina San Nicolas
  • Pamutan
  • Pardo (Pob.)
  • Pari-an
  • Paril
  • Pasil
  • Pit-os
  • Pulangbato
  • Pung-ol-Sibugay
  • Punta Princesa
  • Quiot Pardo
  • Sambag I (Pob.)
  • Sambag II (Pob.)
  • San Antonio (Pob.)
  • San Jose
  • San Nicolas Central
  • San Roque (Ciudad)
  • Santa Cruz (Pob.)
  • Sawang Calero (Pob.)
  • Sinsin
  • Sirao
  • Suba Pob. (Suba San Nicolas)
  • Sudlon I
  • Sapangdaku
  • T. Padilla
  • Tabunan
  • Tagbao
  • Talamban
  • Taptap
  • Tejero (Villa Gonzalo)
  • Tinago
  • Tisa
  • To-ong Pardo
  • Zapatera
  • Sudlon II
  • ABS-CBN Central Visayas (Channel 3)
  • RMN DYHP TeleRadyo 6
  • GMA Central Eastern Visayas (Channel 7)
  • RPN DYKC TeleRadyo (Channel 9)
  • PTV Central Visayas (Channel 11)
  • IBC DYLA TeleRadyo (Channel 13)
  • 5 Central Eastern Visayas (Channel 21)
  • DYRB TeleRadyo 25
  • DYMF TeleRadyo 33
  • DYRB Radyo Pilipino 540
  • DYMR Radyo Pilipinas 576
  • RMN DYHP 612
  • DYRC Aksyon Radyo 648
  • RPN DYKC Radyo Ronda 675
  • DYAR Radyo5 765
  • DYCM 864 (VBC)
  • IBC DYLA Radyo Budyong 909
  • DYMF Bombo Radyo 963
  • DYSS Super Radyo 999
  • DYAQ Sonshine Radio 1152
  • DYRF Radyo Totoo 1215
  • UMBN 1260 DYDD
  • DYFX Radyo Agila 1305
  • DZRH 1395
  • DYAB Radyo Patrol 1512
  • 88.3 FM1
  • 89.1 Spirit FM
  • 89.9 One FM
  • 90.7 Q Radio
  • 91.5 Yes The Best
  • Magic 92.3
  • Brigada News FM 93.1
  • 93.9 iFM
  • 94.7 Armed Forces Radio
  • 95.5 Star FM
  • 96.3 Wild FM
  • MOR 97.1
  • 97.9 Love Radio
  • 98.7 FEBC
  • Barangay RT 99.5
  • RJ 100.3
  • Y101 101.1
  • Korean Radio 101.9
  • 102.7 Easy Rock
  • Retro 103.5
  • AFN Cebu 104.3
  • 105.1 Halo-Halo
  • Monster BT 105.9
  • 106.7 Love Radio
  • 107.5 Win Radio
Senso ng populasyon ng
Lungsod ng Cebu
TaonPop.±% p.a.
1903 45,994    
1918 65,502+2.39%
1939 146,817+3.92%
1948 167,503+1.48%
1960 251,146+3.43%
1970 347,116+3.29%
1975 413,025+3.55%
1980 490,281+3.49%
1990 610,417+2.22%
1995 662,299+1.54%
2000 718,821+1.77%
2007 799,762+1.48%
2010 866,171+2.95%
2015 922,611+1.21%
2020 964,169+0.93%
2024 965,332+0.03%
Sanggunian: PSA[3][4][5][6]

Mga Kilalang Tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Pedro Yap (1918–2003) - Ika-17 Punong Mahistrado ng Pilipinas (1988), Ika-110 Katuwang Mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas (1986-1988), at Miyembro ng Komisyon ng Pangulo para sa Mabuting Pamahalaan (1986); ipinanganak sa San Isidro, Leyte, ngunit nagtapos ng sekundaryang edukasyon sa Pambansang Paaralan ng Abellana.
  • Napoleon Abueva (1930–2018) - iskultor, kilala siya bilang "Ama ng Makabagong Eskultura ng Pilipinas". Ipinroklama siya bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa iskultura noong 1976. (Ang kanyang ina na si Purificación Veloso ay taga-Tuburan, Cebu)
  • Jose Mari Chan (ipinanganak noong 1945) - isang Pilipinong mang-aawit at manunulat ng kanta. Siya ay kilala bilang "Hari ng mga Awiting Pamasko ng Pilipinas". (Ang kanyang lola sa ina ay si Remedios Alfon Lim, na taga-Bogo City, Cebu)
  • Terry Alderete (1945–2013) - isang negosyanteng Pilipino-Amerikano na kinilala dahil sa kanyang pamumuno sa komunidad ng mga Latino sa California; isinama sa Alameda County Women’s Hall of Fame at nakatanggap ng maraming parangal sa pagnenegosyo at komunidad. (Ang kanyang ama ay taga-Cebu, Pilipinas)
  • Val Sotto (ipinanganak noong 1945) - isang aktor, mang-aawit, kompositor, komedyante at politiko. Isa siya sa mga pangunahing bokalista ng bandang Pilipino na VST & Company. (Ang kanyang ama ay taga-Cebu)
  • Rodrigo Duterte (ipinanganak noong 1945) - Ika-16 na Pangulo ng Pilipinas (Ang kanyang ama ay taga-Danao City, Cebu)
  • Eddie Peregrina (1945–1977) - isang mang-aawit at idolo sa matinee noong dekada 1970. Tinaguriang "Ang Orihinal na Hari ng Jukebox". (Ang kanyang ina ay taga-Cebu)
  • Tito Sotto (ipinanganak noong 1948) - politiko, aktor, tagapag-aliw at atleta na nagsilbi bilang ika-23 Pangulo ng Senado mula 2018 hanggang 2022. (Ang kanyang ama ay taga-Cebu)
  • Vic Sotto (ipinanganak noong 1954) - isang aktor, komedyante at personalidad sa telebisyon. Kilala siya sa pagganap ng mga komedya sa mga sitcom at pelikula sa telebisyon. Isa rin siya sa tatlong pioneer host ng Eat Bulaga! kasama sina Tito Sotto at Joey De Leon. (Ang kanyang ama ay taga-Cebu)
  • Mat Ranillo III (ipinanganak noong 1956) - isang Amerikanong aktor na ipinanganak sa Pilipinas. (Ang kanyang ina na si Gloria Sevilla ay taga-Cebu)
  • Kirk Hammett (ipinanganak noong 1962) - Amerikanong musikero na naging lead guitarist ng heavy metal band na Metallica simula noong 1983 (ang kanyang ina na si Teofila Oyao ay may pinagmulang Cebu).
  • Francis Magalona (1964–2009) - Aktor at musikero, na kilala bilang "Pilipino King of Rap" (Ang kanyang ina ay taga-Cebu City)
  • Tia Carrere (ipinanganak noong 1967) - Isang Amerikanong aktres at mang-aawit na nagkaroon ng unang malaking pagkakataon bilang regular sa daytime soap opera na General Hospital. (Ang kanyang ama ay ipinanganak at lumaki sa Cebu).
  • Mable Elmore (ipinanganak noong 1969) - Pilipino-Canadian na politiko at miyembro ng British Columbia New Democratic Party, siya ay nahalal bilang Miyembro ng Lehislatibong Asamblea sa 2009 British Columbia general election, kasalukuyang nagsisilbi bilang Parliamentary Secretary for Anti-Racism Initiatives. (Ang kanyang ina ay taga-Tuburan, Cebu)
  • Mitoy Yonting (ipinanganak noong 1970) - Mang-aawit, komedyante at aktor. Siya ang nagwagi sa unang season ng The Voice of the Philippines noong 2013. (ang kanyang ina ay taga-Ginatilan, Cebu)
  • Ramon Christopher Gutierrez (ipinanganak noong 1971) - Pilipinong aktor, siya ay miyembro ng sikat na angkan ng mga aktor ng Gutierrez sa Pilipinas. (Ang kanyang ina na si Pilita Corrales ay taga-Cebu City)
  • Tany Yao (ipinanganak noong 1971) - isang politikong Canadian na nahalal sa pangkalahatang halalan sa Alberta noong 2015 at 2019 upang kumatawan sa distrito ng eleksyon ng Fort McMurray-Wood Buffalo sa ika-29 na Lehislatura ng Alberta at ika-29 na Lehislatura ng Alberta. (Ang kanyang ama, si Joseph Yao, ay taga-Cebu)
  • Victor Cui (ipinanganak noong 1971) - Filipino-Canadian sports executive. Siya ang co-founder at dating CEO ng ONE Championship (ONE), isang mixed martial arts organization na nakabase sa Singapore at ang Edmonton Elks ay isang propesyonal na koponan ng football sa Canada na nakabase sa Edmonton, Alberta. Inilarawan si Cui bilang "Ang pinakamakapangyarihang tao sa Asian MMA" dahil sa tagumpay ng ONE at sa kanyang pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa industriya. (Ang kanyang pamilya ay nagmula sa Cebu)
  • Wendy Woo (ipinanganak noong 1971) - isang mang-aawit/manunulat ng kanta sa Colorado. Kilala rin siya sa kanyang pagtugtog ng gitara, lalo na sa paggamit ng kanyang acoustic guitar bilang instrumentong perkusyon. Nanalo siya ng limang beses sa Westword Music Awards. (Ang kanyang ama ay ipinanganak sa Cebu City at lumipat sa New York City noong 1964).
  • Tina Paner (ipinanganak 1971) - Aktres at mang-aawit (ang kanyang ama na si Manny Paner ay taga-Cebu)
  • Ian Veneracion (ipinanganak 1975) - Aktor, atleta, piloto, mang-aawit (ang kanyang ina ay taga-Lilo-an, Cebu)
  • Sara Duterte (ipinanganak noong 1978) - abogado at politiko na siyang ika-15 at kasalukuyang bise presidente ng Pilipinas. (Ang kanyang mga magulang na sina Rodrigo Duterte at Elizabeth Zimmerman ay nagmula sa Danao City at Tuburan, Cebu)
  • Manny Pacquiao (ipinanganak noong 1978) - Senador at Kampeon sa World Boxing ng Eight Division (Ang kanyang ama ay taga-Pinamungahan, Cebu)
  • Alan Frei (ipinanganak noong 1982) - isang curler, negosyante at ekonomista. (Ang kanyang ina ay Cebuana)
  • Rafael Rosell (ipinanganak noong 1982) - Aktor (Ang kanyang ama ay isang Cebuanong heologo)
  • Richard Gutierrez (ipinanganak noong 1984) - Aktor (ang kanyang ina Anabelle Rama ay taga-Cebu)
  • Raymond Gutierrez (ipinanganak noong 1984) - Isang host, editor, kolumnista, endorser, negosyante, at paminsan-minsang aktor (ang kanyang ina Anabelle Rama ay taga-Cebu)
  • Krista Ranillo (ipinanganak noong 1984) - Pilipinong aktres (Ang kanyang lola Gloria Sevilla ay taga-Cebu)
  • Bruno Mars (ipinanganak noong 1985) - Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta, musikero, at prodyuser ng rekording. (Ang kanyang ina, si Bernadette San Pedro Bayot, ay ipinanganak sa Cebu, ngunit ang kanyang pamilya ay lumipat sa Hawaii noong siya ay isang batang babae)
  • Darren Criss (ipinanganak noong 1987) - Amerikanong aktor, mang-aawit, at manunulat ng kanta (Ang kanyang ina ay taga-Cebu)
  • Danita Paner (ipinanganak noong 1989) - Aktres at pop-rock singer (ang kanyang ama na si Manny Paner ay taga-Cebu)
  • Janine Gutierrez (ipinanganak noong 1989) - Aktres (ang kanyang lola, si Pilita Corrales ay taga-Cebu)
  • Serena Dalrymple (ipinanganak noong 1990) - isang sikat na child star at isang aktres na opisyal nang nagretiro sa show business simula noong 2005. Sa kanyang karera, gumanap siya ng mga papel sa ilang pelikula at serye sa telebisyon, karamihan ay sa ABS-CBN. (Ang kanyang mga ninuno sa ina ay mula sa Cebu)
  • John Pearce (ipinanganak noong 1991) - Australyano-Pilipino na mang-aawit, mananayaw at tagapag-aliw ng mga bata na kilala bilang miyembro ng Justice Crew, at miyembro rin ng bandang pambata na The Wiggles. (Ang kanyang ina ay mula sa Cebu)
  • Terrence Romeo (ipinanganak noong 1992) - Propesyonal na manlalaro ng basketball. (Ang kanyang ama ay mula sa Boljoon, Cebu)
  • Jovit Baldivino (1993–2022)- Mang-aawit at aktor. Siya ang unang nanalo sa Pilipinas Got Talent noong 2010. (Ang kanyang ama ay mula sa Dalaguete, Cebu)
  • Shawn Wasabi (ipinanganak noong 1994) - Amerikanong mang-aawit at prodyuser ng rekord mula sa Salinas, California. Siya ay kinikilala bilang isa sa mga imbentor ng Midi Fighter 64, isang custom musical software controller. (Ang kanyang ina ay taga-Cebu)
  • Diego Gutierrez (ipinanganak noong 1996) - aktor, mang-aawit, manunulat ng kanta at manlalaro ng basketball. (Ang kanyang lola Pilita Corrales ay taga-Cebu City).
  • Renee Co (ipinanganak noong 1997) - politiko at abogado na kinatawan para sa Kabataan Partylist matapos mahalal noong 2025. (Ang kanyang mga magulang ay taga-Cebu)
  • Angela Beard (ipinanganak noong 1997) - isang propesyonal na manlalaro ng football na naglalaro bilang tagapagtanggol para sa Damallsvenskan club na AIK at sa pambansang koponan ng Pilipinas. (Ang kanyang ina ay taga-Cebu)
  • Maris Racal (ipinanganak noong 1997) - aktres at mang-aawit ng Star Magic. Siya ang pangalawang puwesto sa Pinoy Big Brother: All In. (Ang kanyang pamilya ay taga-Lapu-lapu City, Cebu).
  • Felip Suson (ipinanganak noong 1997) - mang-aawit, manunulat ng kanta, rapper at mananayaw. Siya ang pangunahing miyembro ng mananayaw ng P-pop boy band na SB19. (Ang kanyang pamilya ay nagmula sa Cebu)
  • Kriesha Chu (ipinanganak noong 1998) - Pilipino-Amerikanong mang-aawit at aktres na nakabase sa South Korea. Nag-debut siya bilang isang solo K-pop artist sa ilalim ng Urban Works Media entertainment sa kanyang single na "Trouble" noong 2017. (Ang kanyang mga magulang ay mula sa Cebu)
  • Malia Pyles (ipinanganak noong 2000) - isang Amerikanong aktres. Kilala siya sa kanyang pagganap bilang Sarah Baskets sa seryeng FX na Baskets at kay Minnie "Mouse" Honrada sa seryeng horror na slasher na Max na Pretty Little Liars. (Ang kanyang ina ay taga-Cebu)
  • JJ (ipinanganak noong 2001) - isang mang-aawit na Austrian. Nanalo siya sa Eurovision Song Contest 2025 para sa Austria gamit ang kantang "Wasted Love". (Ang kanyang ina ay taga-Cebu)
  • Eryn Cayetano (ipinanganak noong 2001) - isang Amerikanong propesyonal na manlalaro ng tennis. Siya ay may pinakamataas na ranggo sa kanyang karera na nasa ika-396 na pwesto sa singles, na nakamit noong Agosto 11, 2025, at ika-312 sa doubles, na nakamit noong Agosto 11, 2025. Naglaro siya ng collegiate tennis sa University of Southern California. (Ang kanyang ama, si Ed, ay ipinanganak at lumaki sa Cebu)
  • Jake Jarman (ipinanganak noong 2001) - isang British-filipino artistic gymnast na nakikipagkumpitensya sa internasyonal para sa Great Britain, at para sa England sa Commonwealth Games. Noong 2022 Commonwealth Games, nanalo siya ng gintong medalya sa team all-around, individual all-around, floor exercise at vault. (Ang kanyang ina ay taga-Cebu).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Cebu". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. Census of Population (2015). "Region VII (Central Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  4. Census of Population and Housing (2010). "Region VII (Central Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link)
  5. Censuses of Population (1903–2007). "Region VII (Central Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite encyclopedia}}: CS1 maint: numeric names: authors list (link) CS1 maint: url-status (link)
  6. "Province of Cebu". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.

Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.