Legnaro
Legnaro | |
|---|---|
| Comune di Legnaro | |
Legnaro within the Province of Padua | |
| Mga koordinado: 45°21′N 11°58′E / 45.350°N 11.967°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Veneto |
| Lalawigan | Padua (PD) |
| Mga frazione | Casone, Volparo |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 14.91 km2 (5.76 milya kuwadrado) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 8,948 |
| • Kapal | 600/km2 (1,600/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Legnaresi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 35020 |
| Kodigo sa pagpihit | 049 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Legnaro ay isang comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Padua, rehiyon ng Veneto, hilagang-silangang Italya, na matatagpuan mga 30 kilometro (19 mi) timog-kanluran ng Venecia at mga 11 kilometro (7 mi) timog-silangan ng Padua . Noong Disyembre 31, 2010, ito ay may populasyon na 8,594 at may lawak na 14.89 kilometro kuwadrado (5.75 mi kuw).[3]
Impormasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan ng bayan ay nagmula sa salitang Latin na lignarium (kahoy), dahil noong nakaraan ang lugar na ito ay natatakpan ng malawak na kakahuyan. Ang pinakamahalagang monumento ng bayan ay ang Simbahan ni San Biagio (itinayo mula 1779 hanggang 1786), Villa Baretta, at Corte Benedettina. Ang bayan ay tahanan din ng Laboratori Nazionali di Legnaro, isang laboratoryo ng Istituto Nazionale di Fisica Nucleare (Suriang Pambansa ng Pisikang Nuklear), Suriang Eksperimental Zooprofilattico, at mga Kagawaran ng Pamantasan ng Padua University ng Agrikultura and Medisinang Beterinaryo. Ang patron ng Legnaro ay si San Biagio, at ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing ika-3 ng Pebrero. Ang iba pang mahahalagang kapistahan ay ang perya ng bayan, na ginaganap tuwing Setyembre at tumatagal ng dalawang linggo, at ang Pista ng Kabayo, na ginaganap tuwing Hunyo at tumatagal ng sampung araw. Para sa pangyayaring ito, may mga paligsahan sa pagsakay sa kabayo na isinaayos. Ang kabayo ang simbolo ng bayan at sa Pista ng Kabayo, maaaring masiyahan ang mga bisita sa tradisyonal na pagkain, kabilang ang mga tradisyonal na lutuing gawa sa karne ng kabayo, tulad ng sfilacci di cavallo at spezzatino di cavallo. Noong panahon ng digmaan, ang karne ng kabayo ay isang mahalagang pinagkukunan ng pagkain para sa mga naninirahan sa Legnaro at sinasabing nakapagligtas ito ng buhay ng maraming tao.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang munisipalidad ng Legnaro ay naglalaman ng mga sumusunod na frazione : Casone at Volparo.
Ang Legnaro ay may hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Brugine, Padua, Polverara, Ponte San Nicolò, Sant'Angelo di Piove di Sacco, at Saonara.
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]
|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
| Source: Datos mula sa ISTAT | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya ang Legnaro sa Wikimedia Commons- (sa Italyano) Legnaro official website
